Showing posts with label Jennica Garcia. Show all posts
Showing posts with label Jennica Garcia. Show all posts

Sunday, July 26, 2009

Jennica Garcia admits she's an Adik

Bago pa magsimula ang “Adik Sa ‘Yo,” inamin na ni Jennica Garcia na masayang-masaya siya at nabigyan siya ng project with Dennis Trillo. Although kabado sa magiging resulta ng team-up nila, go pa rin ang dalaga at sumumpa na pagbubutihan ang kanyang trabaho.

“Siyempre ang sarap sa pakiramdam at sobra akong grateful. Kinakabahan din ako dahil kailangang mag-work ito. Iyon ang nasa utak ko. Isang challenge ito para sa akin at kakayanin ko ito,” ang matapang na pahayag ng young actress.

Isa ngang malaking challenge para kay Jennica ang proyekto dahil aside from being young (she’s only 19), alam niyang marami ang magtataas ng kilay sa desisyon ng network na siya ang maging ka-love team ni Dennis.

“Sa totoo lang, medyo kinakabahan po talaga ako. Nate-tense din ako kay Dennis. Siyempre, sino po ba naman ang hindi mate-tense na si Dennis na ang ka-partner mo?” paliwanag ng panganay na anak ni Jean Garcia.

Pero it turns out na wala naman palang dapat ikakaba si Jennica dahil isa siya sa inaabangan ng mga viewers sa Telebabad block ng GMA. Marami kasi ang natutuwa sa refreshing candor na ipinapakita niya, lalo na sa mga scenes kung saan hinahabol-habol niya si Dennis.

“Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Dennis Trillo na sobrang bait at napaka-galing na actor?” tanong ni Jennica.

Kaya naman nang sinabi niya na aside from her family, si Dennis ang isa sa kanyang mga bisyo, natawa na lamang ang mga miyembro ng entertainment press.

“Wala po akong ibang bisyo kung hindi ‘Adik Sa’Yo’ lang at si Dennis lang,” sambit niya. Pero nilinaw ni Jennica na ang pagka-adik niya kay Dennis ay sa show lang dahil masyado siyang focused ngayon sa trabaho at sa kanyang pamilya.

Ayaw daw munang isipin ng dalaga ang love life.

“Hindi ko pa po iniisip ‘yung ganyan. Naranasan ko na pong magkaroon ng boyfriend. Sa ngayon po, okey na muna po ako. Trabaho na muna po. Basta ito lang po iniisip ko ngayon, ‘Adik Sa ‘Yo, trabaho ko, at pamilya ko.” - Loretta G. Ramirez, iGMA.TV